Sagot ni Discaya sa mga pasaring ni Mayor Sotto: “12 Days of Xmas”, free concert at tuloy-tuoy na ayuda sa mga Pasigueño

Sagot ni Discaya sa mga pasaring ni Mayor Sotto: “12 Days of Xmas”, free concert at tuloy-tuoy na ayuda sa mga Pasigueño

“TWELVE Days of Christmas” free concert at tuloy-tuloy na ayuda sa maralitang Pasigueños ang naging tugon ni mayoralty aspirant Sarah Discaya sa mga pasaring ni Mayor Vico Sotto kung sino ang nasa likod ng mga mapanirang balita laban sa alkalde.

“Wala kaming kinalaman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbigay ng tulong sa kapus-palad nating kababayan… at kung paano natin sila mapasaya nitong Kapaskuhan,” pahayag ng kampo ni Discaya.

Reaksiyon ito ni Sarah Discaya, na kilala sa tawag na Ate Sarah, sa sunod-sunod na pasaring ng alkalde na ang kampo ng kanyang maka-kalaban sa 2025 election ang umano’y nagpapakalat ng mga fake news sa social media laban sa kanya.

Nauna nang nagpakalat ng bintang si Sotto na ang kabilang kampo, na pahiwatig nya kina Discaya, ay nagbibigay umano ng isang milyong piso sa tao na lalantad upang siya ay siraan.

“Lubos kaming naniniwala sa kasabihan na kapag pinukol ka ng bato ay tinapay ang ipukol mo pabalik,” paliwanag ni Discaya sa kanilang naging tugon sa mga pasaring ni Sotto laban sa kanila.

Sinabi nito na maraming magagandang bagay na dapat atupagin sa araw-araw ang sinomang nais maglingkod sa komunidad at tumulong sa kapuwa kaysa magpakalat ng paninira na walang basehan.

Sa talaan nitong nagdaang mga linggo ng St. Gerrard Charity Foundation, na pinangangasiwaan ng pamilya Discaya ay libu-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah.

Free medical checkup, mga gamot at wheel chair naman sa lingguhang medical mission ng Team Sarah.

At mayroon ding version ang Team Sarah ng Pamaskong Handog na limang kilong bigas bawat pamilyang Pasigueño.

Itong panahon ng kapaskuhan ay ibinalita rin ni Discaya ang espesyal na handog ni Ate Sarah na free live concert para mabigyan ng kasayahan ang kanyang kababayan.

“Dahil ayaw tayong bigyan ng City Hall ng permit sa Arcovia para sa Christmas special na handog ni Ate Sarah na free concert kaya magpapa-concert na lang si Ate Sarah sa kanilang pribadong lugar araw-araw sa loob ng 12 araw na iba’t ibang artista ang mag-perform sa bawat araw at mapapanood ng mga Pasigueño via live streaming,” pahayag ng kampo ni Discaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *