DepEd Sec. Sonny Angara binisita ang mga paaralan sa CamSur na nasalanta ng bagyo

DepEd Sec. Sonny Angara binisita ang mga paaralan sa CamSur na nasalanta ng bagyo

Binisita ni Education Sec. Sonny Angara ang mga paaralan sa Camarines Sur na naapektuhan ng nagdaang mga bago.

Education Secretary Sonny Angara, together with DepEd officials and partners, visited typhoon-stricken schools in Camarines Sur to turn over essential learning, teaching, and digital materials.

Kasabay ng pagbisita, dinala din ng DepEd sa Gainza Central School ang mga donasyon mula sa UNICEF na kinabibilangan ng teaching packs, student kits, classroom materials, at digital tools.

Samantala ang Bula Central School ay tumanggap naman ng learning packs at whiteboards mula sa Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) Project ng USAID.

Nagpasalamat naman si Angara sa UNICEF at USAID sa pagtulong para sa recovery efforts ng DepEd sa mga naapektuhang paaralan.

Nagtungo din si Angara sa Minalabac National High School, na nagtamo ng matinding pinsala dahil sa pagbaha.

Samantala, dumalo din ang kalihim sa inagurasyon ng Academy of Inclusive Learning and Development (iLEAD) na kauna-unahang learning and development center para sa mga guro sa Camarines Sur. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *