Pangulong Marcos iniutos ang pagpapalakas ng hakbang ng mga hakbang para malabanan ang malnutrisyon

Pangulong Marcos iniutos ang pagpapalakas ng hakbang ng mga hakbang para malabanan ang malnutrisyon

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno na palakasin ang mga hakbang para malabanan ang malnutrisyon sa bansa.

Partikular na pinatutugunan ng pangulo sa National Nutrition Council (NNC) ang tinatawag na “triple burden of malnutrition” – ito ay ang undernutrition, micronutrient deficiency, at overnutrition.

Batay sa Global Burden of Disease 2021 report ang dietary risks at malnutrition ang nangunguna at leading contributors sa mga sakit sa bansa.

Sa sectoral meeting sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang national-level intervention para masuportahan ang mga local government units (LGUs) sa pagtugon sa problema sa malnutrisyon.

“The performance at the LGU level is highly inconsistent. I know mayors and governors who are really passionate about healthcare. I know so many more others that really don’t think about it,” ayon sa pangulo.

Sinabi ng pangulo na kailangang kumilos ang national level at maglatag ng mas maraming mga programa at aktibidad ang NNC.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang NNC ay itinatag noon pang 1974 sa bisa ng Presidential Decree 491 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Ang NNC ay multi-agency strategic council na nilikha upang labanan ang malnutrisyon sa bansa.

Pinamumunuan ito ng Department of Health, at ng Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *