Bigas na P40 kada kilo mabibili na sa ilang palengke sa Metro Manila
Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng murang bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila sa ilalim ng Rice-for-All program ng KADIWA ng Pangulo.
Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, simula bukas (Dec. 5) available na ang bigas na P40 kada kilo sa “KADIWA ng Pangulo” kiosks sa mga palengke, at sa MRT at LRT stations.
Ayon kay Guevarra mabibili sa mga kiosks ang P40 per kilo nabigas mula Martes hanggang Sabado, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Unang ibinenta ang bigas sa ilalim ng Rice-for-All program sa halagang P45 per kilo, ibinaba ito sa P43 kamakailan at ibababa sa P40 per kilo simula Huwebes.
Target ng DA na makapagbenta ng murang bigas sa Kamuning Market, Malabon Central Market, New Las Piñas City Public Market, Pasay City Public Market, Balintawak Market, Cartimar Market, Pateros Grace Marketplace, Maypajo Public Market, at Paco Market. (DDC)