Magkapatid timbog sa mga baril at granada sa Parañaque City

Magkapatid timbog sa mga baril at granada sa Parañaque City

Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) District Director, Brigadier General Bernard R. Yang ang pagkaaresto ng isang magkapatid matapos mahulihan ng iligal na mga baril at granada sa implementasyon ng search warrant sa Riverside 1, Pugad Baboy, Barangay Tambo, Parañaque City.

Dakong alas-4:30 ng madaling araw isinilbi ang search warrant ng mga tauhan ng Station Intelligence Section, SWAT Parañaque, Tambo Sub-Station 2, at ng Barangay Peace and Order Council para sa paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) laban kina alyas Jerry, 34-anyos, at Ricardo, 36-anyos, construction workers, kasunod ng mga alegasyong may mga baril ang mga ito.

Sa gitna ng operasyon, narekober ang isang caliber .38 revolver at limang bala mula sa suspek na si Jerry habang ang kapatid nitong si Ricardo ay nakuha naman ang isang caliber .38 revolver na may limang bala, at siyam pang bala ng .45 caliber na baril.

Isa namang granada ang nadiskubre at nakumpiska sa magkapatid na suspek kung kaya karagdagang paglabag sa Republic Act 9516 (Unlawful Manufacture, Sale, Acquisition, Disposition, Importation, or Possession of an Explosive or Incendiary Device) ang kanilang kakaharapin.

Kaagad na itinurn-over ang mga ebidensiya sa mga imbestigador para sa dokumentasyon at disposisyon.

Ang nasabing operasyon ay parte ng kasalukuyang mga hakbang na labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad sa Metro Manila na naka-ankla sa “AAA Framework”—Able, Active, and Allied ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, BGen Anthony A. Aberin. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *