Mga Pinoy sa South Korea pinayuhang manatiling kalmado
Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa South Korea na mmanatiling kalmado.
Sa inilabas na abiso ng Philippine Embassy sa Seoul, sinabihan ang mga Pinoy na sumunod sa mga abiso na inilalabas ng mga otoridad.
Tiniyak din ng embahada ang patuloy na pagbibigay ng update sa sitwasyon sa Korea.
Sa kabila ng sitwasyon, nanatiling normal ang operasyon sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul
Nagdeklara ng Martial Law si South Korean Presdient Yoon Suk Yeol na kalaunan ay binawi din nito.
Lumakas ang panawagan na magbitiw na sa kaniyang pwesto si Yoon.
May mga pahiwatig din ang South Korean opposition parties na magsusulong sila ng impeachment complaint laban sa presidente. (DDC)