Publiko binalaan ng TESDA sa ibinebentang pekeng National Certificate online

Publiko binalaan ng TESDA sa ibinebentang pekeng National Certificate online

Nagpaalala ang TESDA sa publiko hinggil sa ibinebentang National Certificate (NC) online.

Ayon sa TESDA ang NC ay hindi ibinebenta at hindi nabibili.

Sa halip, ito ay ini-isyu lamang ng mga TESDA office para sa mga kwalipikadong indibidwal na nakapasa sa assessment.

Para makaiwas sa modus na pagbebenta ng mga pekeng National Certificates o NC, maaaring i-check sa Registry of Certified Workers (RWAC) http://www.tesda.gov.ph/Rwac upang malaman ang mga pangalan ng mga nakapasang TVET graduates sa competency assessment examinations.

Maaari ding sumadya sa pinakamalapit na tanggapan ng TESDA sa inyong lugar.

Para sa mga mayroong impormasyon hinggil sa mga nagbebenta ng NC, maaari itong i-report ito sa TESDA hotline: 8887-7777 o mag-email sa contactcenter@tesda.gov.ph. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *