Kautusan hinggil sa paggamit ng improvised na plaka ng mga sasakyan hindi pa ipatutupad ayon sa LTO
Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na nananatiling suspendido ang kautusan hinggil sa paggamit ng improvised na plaka ng mga sasakyan.
Ayon sa LTO suspendido ang pagpapatupad ng Memorandum Circular VDM-2024-2721 na nagtatakda ng guideline sa paggamit ng improvised plates para sa mga motor vehicles at mga motorsiklo.
Suspendido din ang pag iral ng Memorandum Circular No. VDM-2024-2722 na naglalatag ng guideline para sa pagpapatupad at requirements lara sa paglahok sa motorcycle taxi pilot study.
Una nang nagpahayag ng pangamba ang mga car owners dahil marami ang hindi pa nakukuha ang kanilang plaka.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sinuspinde ang pagpapatupad ng 2 memorandum para bigyan ng sapat na panahon ang mga motor vehicle owner na makuha ang kanilang license plates.
Inatasan na ni Mendoza ang lahat ng motor vehicle dealers na madaliin ang pagre-release ng plaka ng sasakyan na nasa kanilang pag iingat.
Ang mga LTO regional at district offices ay naglunsad ng programa para magsagawa ng door-to-door at free delivery ng license plates. (DDC)