Pambatang tsinelas na ibinebenta online, nagtataglay ng nakalalasong kemikal – BAN Toxics
Pinag-iingat ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang publiko sa pagtangkilik sa mga produktong ibinebenta online.
Ayon sa Ban Toxics, kamakailan, natuklasan nila na may mga kiddie plastic slippers na ibinebenta online na nagtataglay ng lead na isang brain damaging toxicant.
Bumili ng sample ng naturang tsinelas ang BAN Toxics sa isang online platform sa halagang P45 to P55.
Gamit ang Chemical Analyzer, na-detect ng grupo ang toxic lead levels mula sa tsinelas na aabot sa 393 parts per million hanggang 4,300 ppm.
Natataglay din ang tsinelas ng chlorine na lagpas sa 100,000 ppm.
Ayon kay Thony Dizon, Advocacy and Campaign Officer ng BAN Toxics, delikado sa kalusugan ng mga bata ang lead at iba pang nakalalasong kemikal.
Hiniling ni Dizon sa gobyerno na gumawa ng hakbang para maipagbawal ang pagbebenta ng mga produktong may nakalalasong lead sa merkado.
Dapat ding maging istrikto ang mga online shopping sa mga produktong ibinebenta sa kanilang platform. (DDC)