Dagdag sa minimum wage sa Eastern Visayas, epektibo na

Dagdag sa minimum wage sa Eastern Visayas, epektibo na

Epektibo na ang dagdag-sahod para sa minimum wage earners sa Eastern Visayas.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), simula Dec. 2, 2024 ay umiral na ang unang trance ng dagdag sahod sa rehiyon na P15.

Dahil dito, mula sa P405 ay P420 na ang bagong minimum wage para sa non-agriculture sector, at service/retail establishments na mayroong empleyado na 11 pataas.

Para naman sa agriculture sector at mga kumpanya na mayroong 10 empleyado pababa, mula sa dating P375 ay tumaas na sa P390 ang minimum wage.

Samantala, nadagdagan din ng P500 ang minimum wage ng mga kasambahay sa rehiyon.

Para sa mga Chartered Cities at First-Class Municipalities, mula sa dating P5,500 ay magiging P6,000 na ang minimum wage ng mga kasambahay.

Habang magiging P5,500 naman sa iba pang munisipalidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *