DOLE naglabas ng pay rules para sa limang holidays ngayong Disyembre

DOLE naglabas ng pay rules para sa limang holidays ngayong Disyembre

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa tamang pagbabauad ng sweldo samga manggagawa na papasok sa magkakasunod na holiday ngayong Disyembre.

Ayon sa Labor Advisory ng DOLE, ang magkakasunod na petsa ay deklaradong special non-working days:

– December 8, 2024 (Feast of the Immaculate Conception of Mary)
– December 24, 2024 (Christmas Eve)
– December 31, 2024 (Last Day of the Year

Sinabi ng DOLE na iiral ang “no work, no pay” sa nabanggit na mga petsa maliban na lamang kung ang kumpanya ay may polisiya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa nasabing araw.

Samantala, ang empleyado na magtatrabaho sa special (non-working) day ay babayaran ng karagdagang 30 percent ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho, habang ang empleyado na nag-overtime ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw.

Samantala, deklarado namang Regular Holidays ang sumusunod na mga petsa:

– December 25, 2024 (Christmas Day)
– December 30, 2024 (Rizal Day)

Ang empleyado na papasok sa nasabing mga petsa ay makatatanggap ng 200 percent ng kanilang basic wage. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *