Bulkang Taal muling nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption
Muling pumutok ang Bulkang Taal umaga ng Martes, Dec. 3, 2024.
Ayon sa Phivolcs ang minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng bulkan ay tumagal ng apat na minuto.
Nagbuga ang bulkan ng abo na na umabot sa 2,800 meters ang taas.
Umabot ang abo sa Poblacion, Agoncillo at sa Buso-buso, Laurel, Batangas.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa bulkang Taal. (DDC)