Bagyo posibleng pumasok sa loob ng PAR sa susunod na linggo

Bagyo posibleng pumasok sa loob ng PAR sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon ng panibagong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

Sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast ng PAGASA, simula Dec. 2 hanggang Dec. 8, bagaman inaasahan na may mabuong tropical cyclone-like vortex sa bansa ay maliit naman ang tyansa na mabuo ito bilang isang bagyo.

Gayunman, sa susunod na linggo o mula Dec. 9 hanggang Dec. 15, inaasahan na mayroong bagyo na papasok sa PAR.

Tatahakin nito ang direksyong patungo ng Visayas o Southern Luzon area.

Ayon sa PAGASA posibleng magkaroon pa ng pagbabago sa pagtaya ng panahon.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na abiso ng weather bureau. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *