Unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte inihain sa Kamara
Inihain na sa Kamara ang unang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang reklamo ay inihain ng civil society organizations na binubuo ng mga religious leaders, sectoral representatives at pamilya ng mga biktima ng drug war.
Inendorso ni Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña ang reklamo.
Ayon kay Cendaña, sinusuportahan niya ang katapangan ng mga nagreklamo at maging ng mga patuloy na humihiling ng kasagutan mula kay Duterte sa kaniyang mga paglabahg sa Saligang Batas.
Sinabi ni Cendaña na marapat na ma-impeach si VP Sara dahil sa kaniyang pag-abuso sa kapangyarihan at pagwawaldas ng kaban ng bayan.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi dapat pabayaan lamang ang “legacy of corruption” at “mass murder” ng pamilya Duterte.
Umaasa si Cendaña na ang naturang impeachment complaint ay magbigay-daan para mapanagot sa batas ang mga Duterte at kanilang mga kaalyado. (DDC)