Kabakahan Festival at 7th Founding Anniversary ng Padre Garcia, Batangas matagumpay na ipinagdiwang
Sa kabila ng malakas na ulan ay hindi natinag ang mga residente at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Padre Garcia sa lalawigan ng Batangas upang ipagdiriwang ang ika- 75 Founding Anniversary ng Kabakahan Festival ng bayan na nagsimulang ginunita nitong November 28 hanggang December 1, 2024 kahapon.
Nagsimula sa taimtim na pananalangin kasunod ang parada ng ibat- ibang barangay di alintana ang ulan kahapon na napuno ang kalye hindi natinag sa kanilang pwesto makita lang ang pagparada, kasama ang Ina ng kanilang bayan na si Mayor Celsa Rivera at ang magiging governor ng lalawigan na si Mike Rivera at mga bisita tulad ni Senator Laila Delima at Governor Dodo Mandanas, at Senator Bato Dela Rosa.
Buong sigla at kulay pa ring nagtanghal ang mga grupo ng mananayaw mula sa iba’t ibang barangay sa ginanap na Cultural Dance Contest o Street Dancing Competition. Ang kanilang mga sayaw ay nagbigay-buhay sa mayamang kultura at tradisyon ng Padre Garcia, na kilala bilang kabisera ng kalakalan ng “Baka” o mas kilala sa Cattle Trading Capital of the Philippines.
Binigyang-diin ng mga kalahok ang kanilang determinasyon at dedikasyon sa kabila ng masungit na panahon. Nagniningning ang mga makukulay na kasuotan at masiglang galaw ng mga mananayaw na tinangkilik ng masigasig na mga manonood.
Bukod sa dance contest, marami pang aktibidad ang isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon, tulad ng parada ng mga baka, agri-trade fair, at gabi ng parangal na kung saan ay tampok sa naturang aktibidad ang mga kilalang artist na nakiisa sa naturang kaganapan.
Dahil 75 years na ang kanilang kanyang itinampok din ng mga garciano ang kanilang 70 letson baka na inihain at pinag salo- salohan bilang simbolo ng pagkakaisa sa madisiplinang mga taga Padre Garcia.
Sa kabila ng ulan, nananatiling matagumpay at puno ng kasiyahan ang pagdiriwang ng Kabakahan Festival ngayong taon.
Ayon sa mga residente , “Ang ulan ay simbolo ng biyaya, at nagpatunay na ang pagkakaisa at pagmamahal sa kultura ay hindi matitinag ng anumang pagsubok.” (JR Narit)