Coast Guard nagtalaga ng dalawang barko sa Rozul Reef para bantayan ang mga mangingisdang Pinoy

Coast Guard nagtalaga ng dalawang barko sa Rozul Reef para bantayan ang mga mangingisdang Pinoy

Nagtalaga ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang barko sa Rozul Reef sa West Philippine Sea para magtiyak ng seguridad ng mga mangingisdang Pinoy.

Kasunod ito ng naranasang pangha-harass ng mga nangingisdang Pinoy mula sa helicopter ng Philippine Liberation Army ng China.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodor Jay Tarriela, sa video at mga larawan na natanggap ng Coast Guard mula sa mga mangingisda na nakabalik na ng Palawan, kita ang ginawang pangha-harass sa kanila ng helicopter ng PLA.

Ani Tarriela, agad iniutos ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang deployment ng dalawang barko.

Ito ay para masigurong malayang makapangingisda ang mga Pinoy sa Rozul Reef.

Sinabi ni Tarriela na sa kabila ng banta mula sa Chinese Coast Guard, nananatili ang kumpiyansa ng mga Pinoy na maglayag at mangisda sa West Philippine Sea.

Siniguro ni Tarriela na nananatiling committed ang Coast Guard na bantayan ang karapatan ng mga mangingisdang Pinoy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *