Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 30 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, 5:42 ng umaga ng Lunes, Dec. 2.
May lalim na 24 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Surigao City, Surigao Del Norte. (DDC)