Shear Line magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

Shear Line magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

Dalawang weather system ang umiiral sa bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, apektado ng Shearline ang Southern Luzon, habang Amihan naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Shear Line ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan.

Maulap na papawirin naman na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region dahil sa Amihan.

Habang bahagyang maulap na papawirin na may isolated n pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, wala namang Low Pressure Area na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *