Chito Miranda nagsalita na kaugnay ng pagkakaaresto sa kaniyang asawang si Neri

Chito Miranda nagsalita na kaugnay ng pagkakaaresto sa kaniyang asawang si Neri

Nagsalita na si Chito Miranda kaugnay ng pagkakaaresto sa kaniyang misis na si Neri Naig.

Ayon kay Chito, walang kahit na anong pera na kinuha mula sa ibang tao at hindi kailanman nanloko si Neri.

Ang kaso ay nag-ugat aniya sa pagiging endorser ni Neri ng isang produkto.

Ayon kay Chito, kinuha siya bilag endorser ng isang produkto at pagkatapos ay ginamit ang kaniiyang mukha upang makakuha ng mga investors.

Dahil dito, kabilang umano si Neri sa kinasuhan ng mga naloko para mag-invest.

Binanggit ni Chito ang isang nagngangalang “Chanda” na may-ari ng Dermacare na siyang tumangay ng pera ng mga investor na aniya ay nakalalaya pa sa ngayon.

Sinabi ni Chito na bigla na lamang inaresto si Neri nang walang natatanggap na notice, liham mula sa piskalya o subpeona.

HIndi aniya batid ni Neri na may bagong criminal complaint laban sa kaniya kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na depensahan ang sarili sa piskalya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *