Pang. Marcos nakabalik na ng bansa mula UAE
Nakabalik na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagbisita sa United Arab Emirates.
Sa isinagawang pagbisita, ilang kasunduan ang nalagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang dito ang mga kasunduan na inaasahang makapagpapalakas sa kooperasyon ng dalawang bansa larangan ng kultura, enerhiya, artificial intelligence, digital economy, at iba pa.
Nakipagpulong si Pangulong Marcos kay UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan.
Sa nasabing pag-uusap ay ipinaabot ni Pangulong Marcos ang kaniyang pasasalamat sa pangangalaga ng gobyerno ng UAE sa Filipino community doon.
Binanggit naman ng UAE President ang mahalagang ambag ng mga Pinoy sa pag-unlad ng UAE. (DDC)