Comelec kinondena ang magkasunod na pagpaslang sa dalawang election officer sa Mindanao

Comelec kinondena ang magkasunod na pagpaslang sa dalawang election officer sa Mindanao

Mariing kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpatay sa isang opisyal nito sa dalawang election officer nito sa MIndanao.

Nasawi sa magkahiwalay na insidente pamamaril sina Mark Orlando Vallecer, municipal election officer sa Nunungan, Lanao del Norte at si John Nico Allan Pandoy, assistant election officer sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa pahayag, kinondena ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang insidente.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Garcia sa naulilang pamilya ng dalawang biktima.

Kaugnay nito, nanawagan si Garcia sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat upang maaresto ang nasa likod ng pamamaslang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *