AFP itinanggi ang mga ipinakakalat na fake news sa Tiktok

AFP itinanggi ang mga ipinakakalat na fake news sa Tiktok

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ipinakakalat na impormasyon online na gumagawa ng hakbang ang Sandatahang Lakas para proteksyonan si Vice President Sara Duterte.

Sa mga ipinakakalat na video sa Tiktok, nakasaad na bumiyahe patungong Manila ang tropa ng militar mula Davao para bigyang proteksyon ang bise presidente.

Ayon sa AFP, walang katotohanan sa nasabing balita.

Galing umano sa unreliable sources ang impormasyon at walang inilalabas na ganitong pahayag ang AFP.

Sinabi ng AFP na ang ganitong mga mali at pekeng impormasyon ay nagdudulot lamang ng panik at kalituhan sa publiko.

Siniguro din ng AFP na nakatutok ito sa pagganap ng kanilang mandato ng may propesyunalismo, dedikasyon at loyalty sa Saligang batas at sa Chain of Command. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *