5,000 hanggang 10,000 PDLs nakatakdang lumaya bago mag-Pasko
Nasa 5,000 hanggang 10,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakatakdang lumaya bago ang Araw ng Pasko ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kasunod ng pagsasapinal ng implementasyon ng panuntunan at regulasyon para sa Good Conduct Time Allowance sa mga nahatulan sa karumal-dumal na krimen.
Ang anunsyong ito ni Catapang ay matapos ang seremonya ng pagpapalaya sa 500 individuals deprived of liberty, na ginanap sa Social Hall ng BuCor Administrative Building sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City.
Pinalaya ng BuCor ang kabuuang 500 PDLs sa pagitan ng October 22 at November 25, kasama na rito ang 104 na kabilang sa culminating activity ngayong Lunes, Nobyembre 25.
Sinabi ni Catapang, na kabilang sa mga lumaya ang 347 na nakatapos ng kanilang sentensiya, 110 ang abuswelto, 21 ang nakatanggap ng probation, 20 ang nabigyan ng parole, 1 ang pinayagang magpiyanda at isa pang indibiduwal ang pinalaya sa pamamagitan ng habeas corpus.
Ayon pa sa opisyal, 39 PDLs ang lumaya mula sa Correctional Institution for Women (CIW) isa Mandaluyong City, 9 sa CIW Mindanao, 53 sa Davao Prison and Penal Farm, 41 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 20 sa Leyte Regional Prison, 135 sa Maximum Security Camp ng New Bilibid Prison (NBP), 69 ng Medium Security Camp ng NBP, 20 sa Minimum Security Camp ng NBP, 14 sa Reception and Diagnostic Center ng NBP, 44 sa Sablayan Prison and Penal Farm, at 56 naman mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.
Binigyang-diin ng Bucor chief ang intensiyon ng ahensiya ng palakasin ang partnership sa business sector para iangat ang kapakanan ng dating individuals deprived of liberty upang maging produktibo ang kanilang buhay at magkaroon ng positibong kontribusyon sa kani-kanilang komunidad sa pamamagitan ng mga oportunidad na trabaho.
Aniya, sa ngayon tumugon dito ang San Miguel Corporation sa ilalim ng liderato ni business executive Ramon S. Ang, maging ang BF One Foods Inc., na kinatawan ng kanyang presidente na si Antonio Sebastian Escalante.
Inihayag din ni Catapang ang kinakailangang pagpapaganda ng kolaborasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan kabilang ang Local Government Units partikular sa mga lugar kung saan doon ang reintegrasyon ng individuals deprived of liberty; Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DEPED), Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ibang stakeholders mula sa pribadong sektor upang suportahan ang mga habang ng BuCor sa reporma at reintegrasyon sa individuals deprived of liberty.
Dumalo sa culminating activity sina Presidential Adviser on Muslim Affairs, Almarin C. Tillah, Al Haj; Usec Sergio Calizo, Jr., Justice Undersecretary Deo Marco, and Assistant Secretary Francis John Tejano, Chairperson of the Board of Pardons and Parole (BPP); Bucor Deputy Director General Asec. Al Perreras, Bucor Deputy Director General for Operations, Asec. Gil Torralba; Atty. Rachel D. Rueio, Board Member of BPP; Atty. Reveling V. Ramos-Dacpano, Regional Public Attorney NCR,kinatawan ni Atty. Persia Rueda Acosta, Chief ng Public Attorney’s Office; at Atty. Ronald Macorol, Public Attorney IV, OIC – Special and Appealed Cases Service. (Bhelle Gamboa)