P52M na halaga ng tulong ipinagkaloob ni Pang. Marcos sa mga naapektuhan ng bagyo sa Nueva Vizcaya
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bayan sa Nueva Vizcaya na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito.
Sakop ng aerial inspection ang mga bayan ng Diadi, Bagabag, Solano, Bayombong, at Bambang na layong masuri ang lawak ng pinsalang idinulot ng bagyo.
Binisita din ng pangulo ang nasirang bypass road sa Bambang.
Samantala, aabot sa P52 milyong halaga ng ayuda ang ibinigay ni Pangulong Marcos sa mga biktima ng bagyong Nika, Ofel at Pepito sa Nueva Vizcaya.
Personal na iniabot ng pangulo ang tsekeng nagkakahalaga ng P52 milyon kay Gov. Jose Gambito.
Sa kanyang mensahe sa distribusyon ng ayuda, muling tiniyak ni Pangulong Marcos na aalayan ng pamahalaan ang mga komunidad na sinalanta ng kalamidad at mga apektadong pamilya hanggang sa tuluyang makabangon ang mga ito.
Batay sa tala ng lokal na pamahalan, nasa higit 5,200 pamilya ang apektado ng nagdaang bagyo sa naturang lalawigan. (DDC / CY)