Honda iniutos ang recall sa mahigit 16,800 na sasakyan dahil sa depektibong fuel pump

Honda iniutos ang recall sa mahigit 16,800 na sasakyan dahil sa depektibong fuel pump

Magsasagawa ng recall ang kumpanyang Honda Motor sa ilang sasakyan nito dahil sa problema sa fuel pump.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sasailalim sa fuel pump replacement ang mga apektadong sasakyan dahil sa manufacturing error.

Sakop ng recall ang ilang Honda car models gaya ng Odyssey, Accord, Mobilio, BR-V, Civic Jazz, HR-V, CR-V City at Civic Type-R na ang model year ay nasa pagitan ng 2017 hanggang 2020.

Ayon sa DTI, kabuuang 16,831 ang maaapektuhang units.

Walang babayaran ang car owners sa gagawing pagpapalit ng fuel pump.

Ayon sa DTI, ang replacement ay isasagawa ng 38 authorized dealers ng Honda at 3 service centers nito.

Wala namang napaulat na aksidente o injuries na naidulot bunsod ng nasabing depekto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *