Pag-iisyu ng Guarantee Letter sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD pansamantalang ihihinto simula sa Dec. 14

Pag-iisyu ng Guarantee Letter sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD pansamantalang ihihinto simula sa Dec. 14

Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay o pag-iisyu ng Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng ahensya sa buong bansa.

Ayon sa abiso ng DSWD, simula sa Dec. 14, 2024 hindi muna mag-iisyu ang ahensya ng GL.

Ayon sa DSWD, ito ay para sa gagawing annual liquidation bilang bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa mandato ng Department of Budget and Management (DBM).

Makakatulong din ang pansamantalang suspensyon na ito sa pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento para maiproseso ang bayad sa mga service providers na nagbigay ng serbisyo sa mga kliyenteng nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng GL.

Samantala, ipagpapatuloy naman pamimigay ng cash assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na hindi lalampas sa P10,000. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *