Malawakang cleanup drive kontra dengue isasagawa sa lahat ng barangay sa QC
Ikakasa ang sabayang cleanup drive kontra dengue sa lahat ng mga barangay sa Quezon City.
Ayon sa QC LGU, gaganapin ang malawakang Simultaneous Dengue Cleanup & Information Drive bukas, Nov. 23, 2024, 7:00 ng umaga.
Hinihikayat ang mga residente na makiisa sa aktibidad sa kani-kanilang mga barangay.
Layunin ng aktibidad na tulungan ang bawat barangay na puksain ang mga lamok na nagdadala ng dengue sa pamamagitan ng paglilinis at wastong impormasyon ukol sa dengue.
Sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division mula Jan. 1 hanggang Nov. 9, 2024 umabot na sa 5,835 ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 16 ang ang nasawi. (DDC)