VP Sara Duterte nagpalipas ng gabi sa Kamara matapos bisitahin ang naka-detain na chief of staff
Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na binisita ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang chief of staff na naka-detine sa Kamara.
Ayon kay Velasco, binisita ni VP Sara si USec. Zuleika Lopez at nanatili siya doon hanggang sa matapos ang visiting hours alas 10:00 ng gabi ng Huwebes (Nov. 21).
Sa opisina ng kaniyang kapatid na si Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte nagpalipas ng gabi si VP Sara.
Naka-detine sa Kamara si Lopez matapos mapatawan ng contempt ng House Committee on Good Government and Public Accoundability.
Mananatili si Lopez sa Kamara hanggang sa susunod na pagdinig ng komite sa Nov. 25.
Ang pagdinig ay may kaugnayan sa umano ay hindi maipaliwanag na paggastos sa public fund ng Office of the Vice President. (DDC)