Opisyal nang nagsimula ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan ayon sa PAGASA
Inanunsyo ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa PAGASA, sa nakalipas lumakas ang pag-iral ng high pressure area sa Siberia dahilan ng paglakas din ng northeasterly winds na makaaapekto na sa northern portion ng Luzon simula ngayong araw at bukas.
Ayon sa PAGASA sa susunod na dalawang linggo, inaasahan pa ang paglakas ng northeasterly winds na maghahatid ng malamig na temperatura sa northern portion ng Luzon.
Inaasahan ding sa mga susunod na buwan ay maaapektuhan na nito ang mas malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa weather bureau patuloy nitong babantayan ang climatic conditions sa bansa. (DDC)