Malakanyang hinikayat ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang pagdiriwang ng Pasko

Malakanyang hinikayat ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang pagdiriwang ng Pasko

Hinikayat ng Malakanyang ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang pagdiriwang ng Pasko sa kani-kanilang mga tanggapan.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang panawagan ay bilang pakikiramay sa milyun-milyong Pinoy na naapektuhan ng anim na magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Sinabi ni Bersamin na hindi na magpapalabas ng opisyal na kautusan ang Malakanyang dahil tiwala ang palasyo na susunod ang mga ahensya ng gobyerno sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Malakanyang, anumang halaga na matitipid dahil sa pakakaroon lamang ng simpleng selebrasyon ay maaaring i-donate na lamang sa mga naapektuhang komunidad.

Tiniyak din ng pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya na sa kabila ng kanilang dinanas ay mararamdaman pa din nila ang diwa ng Pasko.

Ayon kay Bersamin, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang tulong para makabango ang mga apektadong pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *