7 nasawi, 30 sugatan sa pagtama ng magkakasunod na bagyong Nika, Ofel, at Pepito – NDRRMC
Nakapagtala na ng pitong nasawi sa magkakasunod na pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel at Pepito.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) maliban sa 7 nasawi, mayroon pang napaulat na 2 nawawala at 30 ang naitalang sugatan.
Umabot sa mahigit 1.8 million na katao o katumbas ng halos 500,000 pamilya ang naapektuhan ng mga bagyo.
Sa nasabing bilang, mayroon pang mahigit 453,000 na katao ang nananatili sa mga evacuation center.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala ng mahigit 11,700 na mga bahay na nasira dahil sa mga bagyo. (DDC)