Pagsisikip sa daloy ng traffic sa NLEX aasahan dahil sa idaraos na concert ng Stray Kids

Pagsisikip sa daloy ng traffic sa NLEX aasahan dahil sa idaraos na concert ng Stray Kids

Inabisuhan ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mga motorista sa posibleng pagsisikip ng daloy ng traffic sa NLEX sa Sabado, Nov. 23.

Ayon sa NLEX, idaraos ang “Stray Kids World Tour” sa Philippine Arena simula 6:00 ng gabi.

Dahil dito, inaasahan ang mas madaming bilang ng mga sasakyan sa lugar.

Paalala ng NLEX, para sa mga dadalo sa concert, maaaring dumaan sa NLEX Ciudad de Victoria exit.

Pinayuhan din silang tiyakin na mayroong sapat na load ang kanilang RFID accounts.

Inabisuhan naman ang ibang motorista na gumamit ng alternatibong ruta para hindi maabala. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *