51 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 51 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.
Kabilang dito ang 41 episodes ng volcanic tremor na ang tagal ay umabot ng isa hanggang apat na minuto.
Nakapagtala din ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes sa Main Crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 5 metro.
Noong Martes (March 9) ay itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Taal Volcano.
Paalala ng PHIVOLCS, sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.