Mga motorista pinaiiwas sa non-esssential travels mula at patungong Bicol Region dahil sa bagyong Pepito

Mga motorista pinaiiwas sa non-esssential travels mula at patungong Bicol Region dahil sa bagyong Pepito

Pinayuhan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista at commuters sa na iwasan na ang “non essential travels bunsod ng inaasahang pananalasa ng bagyong Pepito.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nakikipag-ugnayan ang ahensya sa Office of Civil Defense (OCD) para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Sa abiso na inilabas ng LTO pinag-iingat ang lahat ng biyahero sa magiging epekto ng bagyo.

Mas mainam ayon sa LTO na manatili nanlamang muna sa bahay at ipagpaliban ang pagbiyahe hanggang sa bumuti ang lagay ng panahon.

Simula kagabi, sinabi ng LTO na hindi ipinapayo ang NON-ESSENTIAL land travel sa NCR at kalapit na lugar patungo ng Bicol Region; at ang pagbiyahe mula at patungong Visayas at Mindanao regions sa pamamagitan ng Matnog Port sa Matnog, Sorsogon.

Tiniyak ng LTO na masusing babantayan ang sitwasyon at magbibigay ng update sa mga biyahero. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *