Bagyong Pepito lumakas pa; aabot sa Super Typhoon category ayon sa PAGASA
Lumakas pa ang Severe Tropical Storm Pepito at nalalapit ng umabot sa typhoon category.
Sa weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 795 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 135 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– eastern portion of Camarines Norte (Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
– eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma, Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi)
– eastern portion of Albay (Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi)
– eastern and southern portions of Sorsogon (Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, Castilla)
– Northern Samar
– northern portion of Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid)
– northeastern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan)
Batay sa forecast ng PAGASA, ang bagyong Pepito ay tatama sa kalupaan ng Central Luzon o Southern Luzon sa weekend.
Inaasahan ding lalakas pa ito at magiging typhoon sa susunod na mga oras at aabot sa super typhon bukas (Nov. 16). (DDC)