Filipino-made crown na gagamitin sa Miss Universe ipinasilip sa publiko
Inilabas na ng Miss Universe Organization (MUO) ang official crown na gagamitin para sa Miss Universe 2024 pageant.
Ang korona na tinawag na “The Light of Infinity” ay likha ng Filipino homegrown jewelry brand na Jewelmer.
Ito ang kauna-unahang Filipino-made crown na gagamitin para sa Miss Universe competition.
Ginamitan ito ng Golden South Sea Pearls.
Gaganapin ang coronation night ng Miss Universe 2024 sa Linggo, Nov. 17. (DDC)