Prepositioning ng food packs sa mga lugar na daraanan ng Super Typhoon Ofel iniutos ng DSWD
Iniutos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang prepositioning ng mas maraming family food packs (FFPs) sa Northern Luzon bilang paghahanda sa magiging epekto ng Super Typhoon Ofel.
Ayon kay Gatchalian, batay sa forecast ng PAGASA, ang tatahakin ng bagyong Ofel ay ang mga lugar na dinaanan din ng Severe Tropical Storm Nika na naminsala sa Aurora, Isabela at Cagayan.
Inatasan din ng kalihim ang National Logistic and Resources Management Bureau (NLRMB) ng ahensya na hingin ang tulong ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Coast Guard (PCG) para makapaghatid ng sapa na dami ng food packs sa Batanes.
Ayon sa DSWD, dalawang C-130 ng Air Force ang magkasunod na lumapag sa Basco, Batanes dala ang 1,600 boxes ng food packs.
Samantala, naikarga naman na ng PCG ang 8,000 boxes ng food packs sa barko into na nakatakdang umalis sa Pier 13 sa Maynila para magtungo sa Port of Basco sa Batanes. (DDC)