DOTr nag-abiso sa mga motorista para sa gagawing pagbiyahe sa Tunnel Boring Machine mula Maynila patungong QC
Inabisuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga motorista sa pagbagal ng daloy ng traffic sa ilang lugar sa Metro Manila sa gabi ng Nov. 15 hanggang Nov. 17.
Ito ay dahil ibibiyahe ang Tunnel Boring Machine (TBM) ba gagamitin para sa Metro Manila Subway Project mula sa Manila Harbor Center patungo ng Camp General Emilio Aguinaldo.
Gagamitin ang nasabing TBM sa paggawa ng mga tunnel na magdudugtong sa Anonas Station at East Avenue Station.
Ayon sa DOTr aasahan ang pagkaantala sa daloy ng traffic mula Nov. 15 ng 9:00PM hanggang Nov. 16 ng 4:00AM.
Ayon sa Nov. 16 ng 9:00PM hanggang Nov. 17 – 4:00AM.
Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na mga kalsada:
– Port/R-10
– C3 Road
– 5th Avenue
– G. Araneta Avenue
– E. Rodriguez Sr. Avenue
– Gilmore Avenue
– Col. Bonny Serrano Avenue
Pinaalalahanan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada para hindi maabala. (DDC)