P1.5M na halaga ng shabu nakumpiska; 4 na HVIs arestado sa drug den sa Parañaque

P1.5M na halaga ng shabu nakumpiska; 4 na HVIs arestado sa drug den sa Parañaque

Nabuwag ng otoridad ang umano’y drug den na nagresulta ng pagkaaresto ng apat na high-value individuals (HVI) pushers,nakumpiska ang P1.5-milyong halaga ng hinihinalang iligal na droga at baril sa Barangay Merville, Parañaque City.

Ang mga arestadong suspek ay kinilalang sina alyas “J,” 37-anyos, nakatira sa drug den, mahaharap sa mga paglabag sa Section 5 and Section 11, Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act); alyas “Edjane,” 33-anyos, student, residente rin sa drug den, dahil sa pagpabag sa Section 26 in relation to Section 5, Article II of RA 9165; alyas “Reymar,” 27- anyos, dating miyembro ng ISAFP (PAF) para sa paglabag sa Section 11, Article II of RA 9165 at alyas “Mark Anthony,” 25-anyos, na inaresto sa paglabag sa Section 11, Article II of RA 9165.

Nakumpiska sa gitna ng operasyon ang tinatayang 225 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱1,530,000 at caliber 9mm pistol na may kasamang magazine at bala.

Anv matagumpay na operasyon ay pinamunuan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) sa pakikipagtulungan ng District Intelligence Division (DID-SPD), District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), Sub-Station 7 ng Parañaque City Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency Southern District Office (PDEA SDO). (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *