3,000 Flying Foxes namataan sa Arakan, Cotabato

3,000 Flying Foxes namataan sa Arakan, Cotabato

Tinatayang nasa 3,000 malalaking flying foxes ang namataan sa Kulaman Valley, Arakan, Cotabato.

Ito ay kasunod ng isinagawang Second Semester Flying Fox Monitoring ng mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 12 Wildlife Resources Unit Team.

Ayon sa DENR, bumaba ang bilang ng bat population kung ikukumpara sa nakaraang asessment.

Posibleng dahilan umano nito ang hunting at habitat loss.

Ang large flying bats ay kabilang sa pinakamalaging species ng mga paniki.

Tumitimbang ang mga ito ng hanggang 1.1 kilogram at mayroong wingspan na hanggang 4 ft 11 inches.

Itinuturing nang endangered base sa DENR Administrative Order No. 2019-09.

Noong 2002, ang large flying fox ay naideklara din na endangered (EN) species ng International Union for Conservation of Nature (IUCN). (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *