Unang kaso ng bird flu sa tao, naitala sa Canada

Unang kaso ng bird flu sa tao, naitala sa Canada

Isang teenager ang nagpositibo sa bird flu sa British Columbia, Canada.

Ito ang unang kaso ng bird flu sa tao na naitala sa Canada at maituturing itong rare event ayon kay British Columbia Health Officer Bonnie Henry.

Ang pasyente ay ginagamot ngayon sa isang children’s hospital.

Iniimbestigahan na din kung paano nito nakuha ang sakit at kung mayroon siyang nakasalamuha na posibleng nahawaan pa.

Pero ayon sa mga opisyal sa lugar, posibleng galing sa ibon o iba pang hayop ang nakuhang infection ng pasyente.

Noong Setyembre, isang indibidwal sa Missouri ang na-infect ng bird flu kahit wala siyang exposure sa infected animal.

Ang iba pang human bird flu cases sa US na naitala mula noong 2022 ay pawang mga farmworker. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *