2 suspek arestado sa P104K shabu sa Taguig City
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta ng pagkaaresto ng dalawang suspek at pagkakumpiska ng P105,740 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Western Bicutan sa lungsod.
Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina alyas Jimboy, 32-anyos, at alyas Jonie, 42-anyos.
Narekober sa gitna ng operasyon ang tinatayang 15. 55 gramo ng umano’y shabu, buy-bust money at eyeglass pouch.
Kaagad dinala ng operatiba ang mga ebidensiya sa Southern Police District’s Forensic Unit para sa laboratory examination.
Inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng RA 9165 laban sa dalawang suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. (Bhelle Gamboa)