Korte pinayagan ang hirit na medical furlough ni Apollo Quiboloy

Korte pinayagan ang hirit na medical furlough ni Apollo Quiboloy

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na pinayagan ng korte ang petisyon para sa ‘medical furlough” ni Kingdom of Jesus Christleader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, ito ay dahil sa nararanasang “irregular heart beat” ni Quiboloy.

Dinala si Quiboy sa Philippine Heart Center noong Nov. 8 at doon muna ito mamamalagi.

Sinabi ni Fajardo na habang nasa ospital, sasailalim si Quiboloy sa iba’t ibang test gaya ng 2D Echo, Stress Test, Blood Chem at iba pa.

Ani Fajardo dati ng sumailalim sa heart procedures si Quiboloy kaya para matiyak na hindi maging delikado ang kaniyang kondisyon ay minabuti ng kampo nito na maghain ng petisyon para sa “medical furlough”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *