Alfredo Garbin iprinoklama bilang bagong mayor ng Legazpi City
Iprinoklama na ng Commission on Elections (Comelec) si Alfredo Garbin bilang bagong mayor ng Legazpi City.
Papalitan ni Garbin si Geraldine Rosal na pinatawan ng disqualification ng Supreme Court dahil sa election offense.
Ayon sa Comelec si Garbin ang pangalawa sa nakakuha ng may pinakamaraming boto sa lungsod noong 2022 elections.
Isinagawa ang proklamasyon kay Garbin sa Comelec headquarters sa Intramuros, Maynila.
Na-diskwalipika si Rosal dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code nang maglabas ng budget habang umiiral ang ban noong 2022 elections. (DDC)