DOH nakikipag-ugnayan sa mga LGU para mailikas ang mga high risk patients, senior citizens, PWDs, sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Nika

DOH nakikipag-ugnayan sa mga LGU para mailikas ang mga high risk patients, senior citizens, PWDs, sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Nika

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Unit (LGU) para sa maagang paglilikas ng mga pamilyang maaaring maapektuhan ng bagyong Nika.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, kabilang sa mga dapat na agad mailikas ang mga high risk na pasyente o may mga karamdaman.

Sinabi ni Herbosa na katuwang ang DOH sa paglikas ng mga buntis, lactating mothers, bata, senior citizen, PWDs at mga pasyenteng may sakit.

Sinisiguro rin ng ahensya na handa ang mga DOH hospital at iba pang health facility na rumesponde sa mga pasyente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *