Ash emission naitala sa Kanlaon Volcano
Muling nakapagtala ng ash emission sa Kanlaon Volcano ngayong umaga ng Lunes, Nov. 11.
Naglabas ng time-lapse footage ang Phivolcs sa nangyaring ash emissions sa summit crater ng bulkan sa pagitan ng 9:07 at 9:18 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, umabot sa 500 metro ang taas ng grayish plumes na ibinuga ng bulkan.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Kanlaon Volcano. (DDC)