Barko na may lulang mahigit 100 pasahero sumadsad sa bahagi ng Romblon

Barko na may lulang mahigit 100 pasahero sumadsad sa bahagi ng Romblon

Isang pampasaherong barko ang sumadsad sa mababaw na perte ng karagatan ng Romblon madaling araw ng Lunes, Nnov. 11.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ang MV Maria Olivia na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines ay byaheng San Agustin at patungo ng Romblon Port.

Lulan nito ang walong rolling cargoes, labing-isang motorsiklo at isang daan at limang pasahero.

Na-stranded ang nasabing barko sa mababaw na parte ng karagatan hanggang sa ma-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang mga kawani ng PPA gamit ang rubber boat.

Agad namang dinala ang mga pasahero sa bayan ng Romblon para masuri ang kanilang kalagayan at mabigyan ng tulong medikal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *