P50M halaga ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda ipimahagi ni Pang. Marcos sa CamSur

P50M halaga ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda ipimahagi ni Pang. Marcos sa CamSur

Aabot sa P50 milyong halaga ng ayuda sa mga magsasaka, mangingisda at mga apektadong pamilya ng bagyong Kristine ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Camarines Sur.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Fuerte Camsur Sports Complex, sinabi nito na galing ang pondo sa Office of the President at ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bawat magsasaka, mangingisda at iba pang pamilyang naapektuhan sa CamSur ay tumanggap ng P10,000.

Nasa 5,000 beneficiaries ang binigyan ng ayuda ni Pangulong Marcos.

Sa naturang bilang, tig-600 ang mula sa mga munisipalidad ng Minalabac at Nabua; tig-500 mula sa Milaor at Bula; 450 mula sa San Fernando; tig 400 mula sa Gainza at Baao; 350 mula sa Canaman; tig 250 mula sa Libmanan at Camaligan; at tig 200 mula sa Calabanga at Pili.

Binigyan din ng pinansyal na ayuda ang tig-100 na residente mula sa mga munisipalidad ng Pamplona, Bombon at Magarao.

“Talaga pong nagpupursige tayo na maibalik sa normal ang kondisyon, sa lalong madaling panahon, ang mga nasirang tahanan, imprastraktura, at kabuhayan nitong bagyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una rito, namahagi na si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel ng P247,442.25 na crop insurance payments sa 10 magsasaka. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *