May-ari ng SUV na may pekeng number “7” plate sa EDSA busway, sumuko ayon sa LTO
Sumuko sa Land Transportation Office (LTO) ang driver ng SUV na may pekeng number “7” na plaka at ilegal na dumaan sa EDSA busway.
Sa press conference, inanunsyo ni LTO chief Asst. Sec. Vigor Mendoz II na naresolba na ang misteryo sa kung sino ang nagmamay-ari ng naturang sasakyan.
Sinabi ni Mendoza na unang tumawag sa kanila ang driver at registered owner ng SUV at sinabing haharap ito sa ahensya.
Humingi ng tulong sa LTO ang Special Action and Intelligence Committe for Transportation upang mahanap ang driver at may-ari ng nasabing sasakyan.
Ito ay makaraang tumakas ang driver nang harangin ito ng mga otoridad dahil sa pagdaan sa EDSA Busway. (DDC)