Biyahe sa labas ng bansa ng chief of staff ng OVP aprubado ni VP Sara Duterte

Biyahe sa labas ng bansa ng chief of staff ng OVP aprubado ni VP Sara Duterte

Kinumpirma ng Office of the Vice President ang biyahe sa labas ng bansa ng chief of staff nito na si Undersecretary Zuleika Lopez.

Ayon sa pahayag ng OVP, ang “personal trip” ni Lopez mula November 4 hanggang 16, 2024 ay aprubado ni Vice President Sara Duterte.

Personal umano ang biyahe ng chief of staff at walang kinalaman sa kaniyang employment o trabaho sa OVP.

Sinabi di ng OVP na nagsumite si Lopez ng karampatang dokumento na kinakailangan para sa mga bumibiyaheng government officials.

Noong Martes (Nov. 5), sinabi ng House good government and public accountability committe na nakatanggap ito ng rekord mula sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapakita ng pag-alis sa bansa ni Lopez patungo ng Los Angeles. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *